Linggo, Oktubre 4, 2015

Kahirapan sa Pilipinas

"Kahirapan sa Pilipinas, Kailangan nang wakasan"

                Hindi maikakaila na ang kahirapan ay lubusan nang lumago sa ating bansa. Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. 

       Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Dala ng labis na kahirapan ay ito ang naging siyang tugon ng mga Pilipino uapng makaraos sa araw araw na pamumuhay. "Ang salitang kapit sa patalim" ay maiuugnay dito. Dahilan na ang paglisan sa sariling bayan at mawalay sa pamilya ay hindi madali para sa isang kulturang kinalakihan. 

Korupsyon, katamaran, at kakulangan ng edukasyon, yan ang mga pangunahing dahilan kung bakit laganap ang kahirapan sa ating bansa. Korupsyon, ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. Kakulangan ng edukasyon, Mas lumalaki ang porsyento ng mga walang pinag – aralan dito sa Pinas. Kaya humihirap ang ating bansa. Mahirap talaga ang buhay kung wala kang pinag – aralan dahil mahihirapan kang humanap ng trabaho. Katamaran, isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa.

At kung isang unos sa bansa ang kahirapan, may pag-asa pa bang sisilay ang araw ng Pilipinas? Ang kasagutan ay oo. Ikaw, ako at tayong lahat ay may mga kakayahang ibinigay ng Diyos na dapat nating bigyang tingin. Mag-aral tayong lahat at tapusin ang hagdanan ng edukasyon. Maging praktikal tayo sa buhay, magkaroon ng disiplina at maging responsable. Magsimula tayo sa ating mga sarili. Sa pagdating ng panahon ay tayo ang mag-aahon sa ating bansa mula sa kahirapan. Dahil naniniwala ako sa kasabihan na ang “kabataan ang pag-asa ng bayan”. Kaya huwag tayong mawalan ng pagasa. Balang araw ay masisilayan natin ang kaginhawaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento